Johnson Manabat
@JohnsonManabat
ABS-CBN Reporter
ID:151568306
03-06-2010 18:20:07
16,9K Tweets
20,0K Followers
304 Following
Abiso, motorista!
Asahan ngayong weekend ang mabigat na trapiko dahil sa kabi-kabilang pagkukumpuni ng mga daan sa ilang bahagi ng Metro Manila. Isinara rin ang ilang bahagi ng NLEX na magtatagal hanggang Mayo 16. #TrafficPatrol
Kaugnay na balita: news.abs-cbn.com/news/2024/5/2/…
[As of 6:50 p.m. ] Mabagal pero umuusad naman ang biyahe ng mga motorista papasok ng Balintawak Toll Plaza.
Ang nasa outermost lane sa kanan ay para sa cash transaction kaya mas matagal ang usad ng mga sasakyan kumpara sa RFID lanes. #TrafficPatrol
[As of 6:00 p.m.] May pila pa rin ng mga sasakyan sa Balintawak Toll Plaza pero mas maigsi na ito kumpara kaninang hapon. #TrafficPatrol
PANOORIN: [As of 3:45 p.m.] Ganito ang traffic situation sa Northbound lane ng EDSA-Balintawak sa Quezon City papasok sa NLEX. #TrafficPatrol
PANOORIN: (As of 4:15 p.m.) Narito ang lagay ng daloy ng traffic sa NLEX Balintawak Toll Plaza ngayong Biyernes. #TrafficPatrol
Ang ilang motorcycle riders, sa gas station na ito muna sa Quezon City nagpapatila ng malakas na ulan. #WeatherPatrol
Ang mga motorcycle riders na ito, mas piniling sumilong muna dahil sa malakas na ulan. #WeatherPatrol
Mas malakas na ulan naman ang nararanasan ngayon dito pa rin sa Quezon City.
Ang ilang mga motorcycle rider na inabutan ng ulan, sige pa rin sa biyahe kahit walang suot na kapote. #WeatherPatrol
Ilang parte ng Quezon City gaya
dito sa Mindanao Avenue nakararanas ng mahinang ulan. #WeatherPatrol
Dumarami na ang nahahatak na sasakyan sa patuloy na clearing operations ng MMDA sa Mabuhay Lanes at iba pang alternatibong ruta.
Ang ilang nasita at napaalis na sasakyang ilegal na nakaparada ay bumabalik rin kapag wala na ang MMDA. #TrafficPatrol